Bakit nga ba inaabangan ang Summer dito sa Pilipinas? Isa eto sa most anticipated time of the year. Kasi naman sa sobrang init dito sa Pinas, masarap talagang magbabad sa mga pool at beaches. Magpahangin sa mga probinsya at gumala sa mga lugar na di pa natin nararating.
Mahalaga din ang summer para sa mga estudyante kasi dito tinataon ang sembreak at pagtatapos ng klase para sa elementarya at high school. Perfect time nga naman eto para magpahinga sa klase. San kaya ang punta ng mga estudyante pag summer?
Para naman sa mga nagtatrabaho, inaabangan nila ang summer outing ng magkaka officemates. Kung hindi man sagot ng kumpanya eh sila sila mismo ang nag paplano kung saan magbakasyon ngayong summer. Ano ano nga ba ang pwedeng pagka abalahan ngayong summer? San pwede pumunta at ano pwede gawin?
Sa baba ang aking mga personal na listahan para sa malalapit lang ng Metro Manila.
Near Manila:
resorts/recreational parks
Splash Island- biggest water park in the Phils.- Biñan Laguna
Enchanted Kingdom- Sta. Rosa Laguna
Island Cove- resort and wildlife park- Cavite
Tagaytay Ridge Zipline and Cable Car- Tagaytay
Villa Escudero Plantation and Resort- San Pablo Laguna
Private pools in Calamba Laguna- good for overnight
Private pools in Antipolo- good for overnight
Loreland Farm Resort- Antipolo Rizal
8 Waves Resort- San Rafael Bulacan
Manila Area:
Manila Ocean Park- Manila
Rizal Park- Manila
Manila Zoo- Manila
Avilon Zoo- Ortigas
La Mesa Ecopark- Quezon City
Laser Tag:
LazerXtreme- Market Market/ Alabang
Airsoft:
Ho Chi Minh Trail - South Express Parañaque
CXG- Kamuning QC
Sitting Ducks- Eastwood Libis
Bowling:
Paeng's Bowling Center- Eastwood Libis
Puyat Sport's Bowling Center- Starmall
Zipline:
MOA
Zoom Tree Top Adventure- Circulo Verde Bagumbayan QC
La Mesa Ecopark- QC
Syempre di mawawala ang mga sikat na summer places dito sa Pilipinas tulad ng Coron, Puerto Princesa, Puerto Galera, Zambales, Bohol, Boracay, Baguio, Davao, CDO, Cebu, Pangasinan, Ilocos, sa Bicol meron na din, ang Misibis Bay Resort sa Cagraray Bacacay, Albay at Caramoan sa Camarines Sur. Sa mga lugar na to maeenjoy ang dagat at ang ibat ibang bagay na pwede gawin tulad ng diving, snorkeling, sailing, surfing, skimboarding, isama nyo na din ang fishing.
Sa dami ng mapupuntahan dito sa Pilipinas, di ko alam kung bakit naghahanap pa tayo sa ibang bansa ng mapupuntahan. Kung malalaman lang natin ang ganda ng Pilipinas at kung alam lang natin kung paano ito alagaan, di tayo mahihirapan ipagmalaki ang mga eto sa kung kanino man. Marami pang lugar ang di pa natin napupuntahan dito sa ating bayan. Subukan natin tuklasin at pahalagahan ang sariling atin.
Ngayong summer, san man tayo pumunta, wag kalimutan ang sunblock!